pagtama ng aking kamao,
At pag sinapo ko ito't ika'y iniuntog ng matunog sa
semento'y gusto kong makita,
Kung ang pagsirit ng dugo mula sa iyong sentido ay
pakaliwa o pakanan.
Magmakaawa ka man sa garalgal mong boses na parang
asong ulol na bagong kapon,
Ang sagot ay tadyak, hanggang ang aking talampaka'y
maramdaman ang pagbakli ng iyong mga tadyang.
Ano't nakukuha mo pang ngumisi,
Katulad ng pagngisi ng nakabuka mong balat.
Gusto kong naisin mo pa ang hapdi ng tundos ng
mahabang karayom sa pagtahi nito,
Sa halip na ang hagupit ng aking poot sa
pasa-pasa mong dibdib at sikmura.
Hindi ko alam na kaya palang umabot,
ng iyong dila sa lupa nang patalikod,
Pilipit tulad ng iyong ngayo'y mga walang buhay na kamay
at ang nasira mong tapang.
At habang sakmal ko ang iyong leeg, pilitin mong isama
sa iyong hirap na hininga,
Magmakaawa ka, magmakaawa ka.
Ngunit walang makaririnig kundi ako,
at ang nagdurugo mong mga tenga.
paolo maligaya
(PBA095pp29r4)
2 comments:
mabrouk! sa wakas may nabasa na ako na sinulat mo.
kaya lang violent :-D
it's been a while, paolo... you back in manila? :)
Post a Comment