Saturday, March 21, 2009

Isko/Iska

Another Facebook tag.


1. ANONG STUDENT NUMBER MO? 93-16168

2. NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED? sa kasamaang-palad, waitlisted (see no.4 and 5)

3. PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT? sinabi sa akin ng pinsan ko who was already in UP. sa halip na matuwa, kinabahan ako dahil sa mga kuwento nya about UP ROTC!

4. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE? Business Administration

5. SECOND CHOICE? Business Administration and Accountancy (I did not know what I was doing)

6. ANO COURSE NATAPOS MO? Tourism (or according to many, Turiiiiisiiiim.) But before that, English major ako. Frankly, medyo nagsisisi ako at sa Tourism ako nag-shift. I was 17, and at that time, I really did not know what to do with my life. I only realized what I really want to do nung nagtatrabaho na ako. I think I should have taken Political Science or Anthropology. If only I could go back in time...

7. NAG-SHIFT KA BA? see no.6. At that time, I was seriously considering taking up Film, pero nung time na yun, wala pang digital. We just couldn't afford that.

8. CHINITO/CHINITA KA BA? yes, if I squeeze my face enough

9. NAKAPAG-DORM KA BA? hindi! I wish I did. Sana na-experience ko hindi maligo dahil walang tubig sa Kalayaan!

10. NAKA UNO KA BA? yes, sa Thesis.

11. NAGKA-3? twice, sa Math 17 at Accounting! I got a 4, but I was able to turn it into a 2 by taking the subject again. But I never got a 5.

12. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE? yes. Although sa likod ng notebook ko meron akong chart kung naka-ilang absent na ako per class. Di dapat lumampas ng tatlong beses. Umaabsent ako pag may magandang sine sa SM!

13. MAY SCHOLARSHIP KA BA? STFAP

14. ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO? everything

15. NANGARAP KA BANG MAGING CUM LAUDE? amazingly, hindi. I wish I did. At that time, wala sa akin yung magka-honor. One of the reasons why I want to go back to UP is to sort of correct that. I think I'm capable of doing a lot better.

16. KELAN KA NAGTAPOS? 1997

17. FAVE PROF? Winnie Monsod sa Econ, Prof. Rodriguez sa AIT, and that really cool lady who made us listen to the Beatles sa Humanities

18. WORST TEACHER: I had this professor sa Kasaysayan. This old-ish guy who smoked a lot in class. Plus, our class was at 7am, and he had this really low voice. We just wanted to sleep!

19. FAVE SUBJECT: Humanities II, Economics

20. WORST SUBJECT: all the Math subjects, Chemistry, etc.

21. FAVE BUILDING: the Main Library

22. PABORITONG KAINAN: Beach House, and also that burger place sa Vinzons. Anybody still remember Green House? All the ulam there tasted the same dahil lahat "sinasabawan" ng gravy nila na nag-iisang klase. Second sem na nang nakapasok ako sa Casaa. Never ako nakakain sa Co-op.

23. NOONG ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP? P1.25 sa Ikot, P1.50 regular fare

24. LAGI KA BA SA LIBRARY? lagi. When I had free time, nandun ako, either Main Lib or AIT lib. Since elementary, close ako sa mga librarians, even when my classmates hated them for being too strict

25. NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUN? nung medical exam lang prior to entering UP. Ang sabi ng iba, hindi pa sila pumapasok ng UP, na-harass na sila, kasi pinaghubad at pinatuwad sila during the medical exam!

26. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS? yes, blockmate ko. ganda nya. she's now married.

27. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO? Social dance, PE 1, bowling. I waited till my senior year para kunin ang marksmanship. In demand yun, at pag-senior ka, priority ka. Pucha, hindi in-offer nung graduating na ako, bumagsak ako sa Philippine games!

28. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO? we got along well. English majors kami; many of them went on to become lawyers

29. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG? ngayon yung umpisa na lang

30. MEMBER KA BA NG VARSITY TEAM? duh

31. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM? I think so

32. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER? no. never hung out with anybody in UP while I was studying there. Pathetic no? Wala akong org (well, I had for a short time, before the org ceased to exist). I nearly joined Kontra-Gapi, but my blockmates did not show up para samahan ako. So I just went home that afternoon. Kainis!

33. NAHULI KA BANG NAKIKIPAGLAMPUNGAN SA SUNKEN GARDEN? no. Pero memorable syempre ang Sunken Garden, not just because of ROTC, but because dun lagi ako sa grandstand pumupunta noon para manigarilyo. I didn't want anybody to see me smoking. I felt really guilty.

34. SAAN PINAKAMASARAP ANG FISHBALL? Anywhere in UP

35. ANONG BATTALION MO NUNG ROTC? Charlie, then Alpha, Infantry. Hated ROTC, but a day after our last day of training, na-miss ko sya. I still see some fellow former cadets every now and then, usually sa malls. (I see one on TV, another one plays in a band.) I don't know their names (except the popular ones), pero di ko malilimutan ang mga mukha nila. We shared a past, parang Vietnam veterans!

36. ANO PABORITO MONG MERYENDA SA UP? yung pritong lumpia na nilalako ng mga ale sa bilao

37. NAIKOT MO NA BA ANG ACAD OVAL? hello, ROTC

38. INULAN KA BA NUNG UMATTEND KA NG UNIVERSITY GRADUATION? hindi. medyo mainit nun

39. ANO ANG PINAKAGRABENG PILANG NAPUNTAHAN MO? there was a time na if you want to sign-up for a class, you had to be there either really early morning or the night before

40. KUNG MAY QUOTE KA PARA SA UP, ANO ITO? wala akong maisip


No comments: