Tuesday, November 6, 2007
Ano ga a-re?
(Note: This is the introduction to my new blog, Taaleño, which will deal with stuff about living in my hometown of Taal, Batangas. The language I will use for this blog is conversational Batangueño -- kasi, wala lang -- as spoken in our town. Stress on that one because Batangueño is spoken differently in each town; heck, even in each barrio. The blog is located at www.taaleno.blogspot.com. I'm keeping my fingers crossed that I'd actually have time to write on it.)
Areng blog na a-re ay tungkol sa aking naging buhay sa aming bayan ng Taal, Batangas, pati na ang aking pagmumuni-muni sa kung anu-anong bagay tungkol sa pamumuhay duon ngay-on. Ang ginamit kong salita ay "doon" dahil sa Maynila na ako nakatira pamula pa nuong ako'y nag-college nuong 1993, pero tinuturing ko pa rin ang sarili ko na isang Taaleño, tuto-ong Batangueño. Pa-minsan-minsan na laang akong nakaka-uwi, pag Pasko, Bagong Taon, Mahal na Araw, Araw ng mga Patay, piyesta, at pag may padasal o may namamatay sa pamilya. Pero sa tuto-o laang, kahit hindi ako umuwi, kahit saan man ako makarating, nakatali pa rin ang pusod ko sa Taal, kung saan ako nagkamuni, natutong mabuhay, at nagkalaman ang sintido.
Dahil ito'y isang blog, ang mga opinyon at saloobin dito ay sa akin laang. Hindi ko ginustong magsalita para sa aking mga kababayan. Pero kung sinu man ang magbabasa, sana naman ay may mapulot kayong bago, o maengganyong dumalaw sa aming bayan, na sa aking opinyon ay siya pa ring pinakamagandang bayan sa aming probinsya ng Batangas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment